LTO, Baguio LGU, nagkasundo sa digital interconnectivity

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magiging magkatuwang na ang Land Transportation Office (LTO) at Baguio City local government sa digital interconnectivity.

Kasunod ito ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) nina LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Sa ilalim ng kasunduan, ikokonekta ang data ng LTO sa data rin ng lungsod at ng LGU na inaasahang magpapadali sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa trapiko.

Ayon kay Asec. Mendoza, ang Baguio ang unang syudad sa Northern Luzon na interlink na sa information system ng LTO.

Sa tulong aniya nito, inaasahang mas maisasaayos na ang trapiko sa syudad at mapapabilis rin ang pagproseso sa penalties.

Tiniyak naman ng LTO na magpapadala ito ng mga eksperto sa syudad para i-monitor ang implementasyon ng kasunduan.

“I hope this will just be the start of other exchanges, other joint efforts in order to promote road safety,” ani Asec. Mendoza. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us