Manipis na naman ang reserba ng kuryente sa Luzon Grid dahilan para ilagay itong muli sa Yellow Alert status mamayang hapon.
Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ilalagay sa Yellow Alert ang Luzon Grid mula:
2:00PM-4:00PM
7:00PM-10:00PM
Sa paliwanag ng NGCP, kabilang sa nakaambag sa Yellow Alert ang forced outage at deration o mas mababang kapasidad ng ilang planta.
At maging ang unavailability ng Angat Main (200MW) dahil sa mababang water elevation nito.
Sa ngayon, nasa 14,080MW ang available capacity sa Luzon Grid habang nasa 12,951MW ang Peak Demand nito.
Samantala, normal naman ngayong araw ang lagay ng Visayas at Mindanao Grids. | ulat ni Merry Ann Bastasa