Pinabibilis ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghahatid ng pagkain sa mamamayan.
Sa talumpati ng Pangulo kaugnay ng pinangunahan nitong pamamahagi ng titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries sa Camarines Sur, sinabi nitong tumataas ang demand ng pagkain sa buong bansa.
Binigyang diin ng Pangulo na kailangang ito ay matugunan sa pamamagitan ng mabilis na paghahatid ng pagkain sa mamamayan.
Kaya kasama din sa naging direktiba ng Pangulo ay ang pagpapabilis sa pag-aani ng mga produktong pang-agrikultura.
Magagawa aniya ito sabi ng Pangulo sa pamamagitan ng pagpapalawak pa sa ginagawang farm-to-market roads ng pamahalaan.
Ito aniya ang maglalapit sa mga magsasaka at sa hanay ng mga mamimili at mula doon ay mabilis na maibabagsak ang kailangang pagkain sa mamamayan.
Nabanggit naman ng Pangulo na may walo (8) nang farm-to-market roads ang natapos habang nasa siyam pa ang ipagagawa sa iba’t ibang bahagi ng Bicol region. | ulat ni Alvin Baltazar