Inilahad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga datos na lalong magpapatibay na isa ang Pilipinas na maituturing na top travel destination.
Katunayan dito ayon sa Pangulo ang naitalang international tourist arrival sa bansa mula Enero Hanggang Marso ngayong taon na umabot sa 2.9 million.
38.1 percent na aniya ito, sabi ng Chief Executive ng 7.7 million tourist arrival na target ngayong 2024.
Samantala, nasa P2.9-T Ang naiambag ng turismo sa ekonomiya ng bansa nuong 2023 na aniyay mas mataas ng 48 percent sa P1.41 T Tourism Direct Gross Value Added na nai-record nuong 2022.
Ayon sa Pangulo, pinakamataas ito na TDGVA magmula pa nuong taong 2000. | ulat ni Alvin Baltazar