Magnitude 7.2 scenario na lindol, isinagawa sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Eksakto alas-2 ng hapon, isinagawa ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Red Training Center sa Pasig City.

Sabay-sabay na nagduck-cover and hold ang mga kawani at opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Tampok sa earthquake drill ang magnitude 7.2 earthquake scenario na tumama sa Luzon o ang big one.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ay Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon na bunga ng paggalaw ng West Valley Fault kung saan ang NCR ay humiwalay.

Bahagi rin ng senaryo ang Harmonized National Contingency kung saan awtomatikong inactivate ang plano.

Ang alternate Emergency Operations Center (EOC) naman ng NDRRMC ay itinayo sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Kabilang sa mga lumahok sa earthquake drill ang

* 1st Wave Assisting RDRRMCs and Twin LGUs (Regions I, II, and V)

*   MMDA

*   Pasig CDRRMC and Barangay Volunteer Groups

*   Cities of Manila, Pasay, and Quezon CDRRMC

*   Office of Civil Defense

*   Response Cluster Agencies

*   AFP-PA 525th ECB USAR Team

*   AFP Reserve Command (City Disaster Volunteer Organization)

*   DOST

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum, kinakailangan na seryosohin ang ganitong mga earthquake drill dahil posibleng tumama ang the big one.

Aniya, tinatayang nasa 50,000 ang masasawi at 25,000 ang masusugatan sa Metro Manila at karatig lalawigan kapag tumama ang magnitude 7.2 na lindol. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us