Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC) na 1, 407 indibidwal, ang nananatili sa mga evacuation center, habang inoobserbahan ang aktibidad ng Mt. Kanlaon.
Katumbas ito ng 419 na mga pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa 11 evacuation center sa Negros Occidental at Oriental.
Pinakamarami sa mga naitalang evacuees ay sa Negros Occidental na nasa 372 pamilya o 1,252 indibidual.
Ang mga ito ay mula sa Bago, La Carlota, La Castellana, Moises Padilla at Pontevedra.
Habang 47 pamilya o 155 indivibidual ang kasalukuyang nasa mga evacuation center sa Canlaon , Negros Oriental.
Samantala, nasa 1.3 milyong pisong halaga ng tulong ang naibigay ng pamahalaan sa mga apektado, na kinabibilangan ng Family Food Packs, sleeping kits at Financial assistance. | ulat ni Leo Sarne