Mahigit 1,600 residente sa Muntinlupa City ang nabigyan ng serbisyo ng People’s Caravan na inorganisa ng National Housing Authority (NHA).
Ang inisyatiba ng NHA ay para ilapit sa publiko ang iba’t ibang programa at serbisyo ng gobyerno para matulungan sila.
Ayon kay NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano, mga residente ng Southville 3 sa Poblacion ng lungsod ang naging benepisyaro ng People’s Caravan.
Hindi lamang sa Metro Manila umiikot ang NHA kundi sa lahat ng resettlement sites sa buong Pilipinas.
Kasama sa mga naipagkaloob na serbisyo sa caravan ang iba’t ibang programang pangkabuhayan, pagsasanay sa iba’t ibang larangan at pagnenegosyo, business and capital consultancy, tulong-
edukasyon at iba pa.
Kasama ng NHA sa Peoples Caravan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Gender and Development (GAD) ng Muntinlupa, at Muntinlupa City Training Institute, Philippine Statistics Authority (PSA), Pag-IBIG Fund; Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO), Department of Agriculture (DA) Kadiwa Caravan, Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Health (DOH), Public Attorney’s Office (PAO), Department of Information and Communications Technology (DICT) at marami pang ahensya ng pamahalaan.
Sunod na pupuntahan ng NHA People’s Caravan sa susunod na buwan ang probinsya ng Cebu. | ulat ni Rey Ferrer