Napagkalooban ng tulong pinansyal na nagkakahalagang ₱5,000 at interbensyon tulad ng binhi at pataba, ang 2,710 mga magsasaka mula sa iba’t ibang bayan sa Misamis Occidental nitong Miyerkules, Hunyo 26.
Pinangunahan ito ng Department of Agriculture (DA)-Region 10 katuwang ang local government unit (LGU)-Misamis Occidental.
Ito ay sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naglalayong suportahan ang mga magsasaka ng palay na naaapektuhan sa pagtaas ng mga halaga sa produksyon at sa hamon ng El Nino phenomenon.
Pinondohan ito sa pamamagitan ng taripa ng bigas na kinokolekta ng pamahalaan na umabot sa ₱10-bilyon.| ulat ni Sharif Timhar| RP1 Iligan