Ipinag-utos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagsibak sa mahigit 50 tauhan ng Bamban Municipal Police Station sa Tarlac.
Ito’y isang araw matapos maisilbi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kautusan ng Ombudsman na nagpapataw ng Preventive Suspension kay Bamban Mayor Alice Guo gayundin sa ilang miyembro ng Sangguniang Bayan.
Batay sa impormasyong ipinarating ng dalawang heneral sa Kampo Crame, nagmula rin sa mga karatig bayan sa Tarlac ang mga ipinalit na pulis habang isasailalim sa training ang mga sinibak.
Gayunman, hindi kasama rito ang Chief of Police dahil kauupo pa lamang nito matapos ma-raid ng mga awtoridad ang POGO na ini-uugnay umano kay Mayor Guo. | ulat ni Jaymark Dagala