Mahigit 6,000 sasakyan ang nahuli sa buong bansa sa unang 15 araw ng Hunyo dahil sa patuloy na pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ng “No Registration, No Travel” policy.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang operasyong ito ay patuloy na paalala sa mga may-ari ng sasakyan na kailangan nilang iparehistro ang kanilang mga sasakyan.
Huwag na aniyang hintayin na magsisi sa huli dahil mataas ang penalty at may kasama pang impound.
Sa datos ng LTO, 5,127 sa mga nahuling sasakyan ay mga motorsiklo habang ang iba naman ay four-wheels.
Sa kabuuan, 5,470 ang nakatanggap ng violation ticket habang 981 ang hinila o in-impound.
Tiniyak ni Asec. Mendoza, na patuloy nilang paiigtingin ang pagpapatupad ng No Registration, No Travel policy para sa kaligtasan ng lahat ng motorista. | ulat ni Diane Lear