Malabon LGU, may 3 araw na Libreng Sakay para sa mga maaapektuhan ng panibagong transport strike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Malabon local government na walang maii-stranded na pasahero sa lungsod sa kabila ng ikakasang panibagong tatlong araw na tigil-pasada ng grupong Manibela.

Sa abiso ng pamahalaang lungsod, naghanda na rin ito ng mga sasakyan na sasaklolo sa mga pasahero simula ngayong araw, June 10 hanggang Miyerkules, June 12.

Simula alas-5 ng umaga ay may naka-deploy nang Libreng Sakay para sa mga maaaring maapektuhan ng transport strike, alinsunod sa pag-apruba ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Naka-monitor naman ang mga kawani ng pamahalaang lokal sa pamumuno ng Public Safety Transportation Management Office (PSTMO) upang masubaybayan ang sitwasyon sa bawat kalsada sa lungsod.

Kung sakaling stranded o walang masakyan, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero:

Central Command and Communications Center
0942-372-9891 / 0919-062-5588 / 8921-6009 / 8921-6029

TXT MJS
0917-689-8657/ 225687. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us