Malakihang oil price increase, nakaamba bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mistulang pinatikim lang ang mga motorista ng rollback last week sa produktong petrolyo.

Inaasahan kasi ang malakihang dagdag singil sa lahat ng oil products bukas.

Base sa taya ng kumpanyang Unioil, halos P2 kada litro o nasa P1.60 to P1.80 ang itataas sa produktong diesel.

Sa gasolina, ay P1 dahil naglalaro ang posibleng taas singil sa kada litro sa P0.70 hanggang P0.90.

Ayon naman sa ilang insiders nasa P1.80 to P1.90 ang inaasahang taas presyo sa kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE), demand sa international market ang pangunahing dahilan sa nasabing nakaambang big time oil price hike bukas. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us