Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng unit ng PNP sa buong bansa na magpatupad ng pinalakas na kampanya laban sa peke at ipinuslit na sigarilyo.
Ang kautusan ng PNP Chief ay kasunod ng pahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na umabot sa ₱25-bilyong piso ang nawalang kita ng gobyerno noong nakarang taon dahil sa pagkalat ng peke at pinuslit na sigarilyo sa merkado.
Mula Enero naman hanggang Abril ngayong taon, iniulat din ng BIR na umaabot na ng ₱6.6-billion ang pagkalugi ng pamahalaan.
Kabilang sa mga hakbang na ipinag-utos ng PNP Chief ang pagpapatupad ng heightened surveillance at istriktong border controls sa pakikipagtulungan ng iba pang law enforcement agencies.
Ayon kay Gen. Marbil, ang kampanya kontra sa mga peke at smuggled na sigarilyo ay isa nang krusada upang protektahan ang kalusugan ng mamamayan at tiyakin ang katatagan ng ekonomiya ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
📸: PNP-PIO