Nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong kay First Lady Liza Araneta Marcos sa pagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa 5,000 residente ng lungsod.
Ito ay sa ilalim ng Lab For All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat PRIDE edition na ginanap sa Mandaluyong College of Science and Technology Gymnasium ngayong araw.
Pinangunahan ng Unang Ginang, kasama ang ilang miyembro ng gabinete, at si Mayor Ben Abalos ang programa na naglalayong magbigay ng libreng pisikal at medikal na eksaminasyon, konsultasyon, gamot, at mga pangunahing laboratory test sa mga taga-Mandaluyong.
Ayon kay Mayor Abalos, malaking tulong ang programang ito para sa mga residente ng lungsod na nangangailangan ng medikal na atensyon.
Ang Lab For All ay isang community-based na healthcare project ng gobyerno na naglalayong maghatid ng libreng serbisyong medikal sa mga komunidad sa buong bansa. | ulat ni Diane Lear