Manila solon, binigyan ng isang buwang palugit ang mga kompanya ng kuryente, telepono, cable para ayusin ang “spaghetti wires” sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang utility companies na ayusin ang spaghetti wires na isang malaking public safety hazard.

Ayon kay Chua, inatasan niya ang kaniyang district office na magsagawa ng inspeksyon at imbentaryo ng mga nakalaylay na kawad ng kuryente, telepono, at cable maging mga nabubulok at patumba nang poste sa kaniyang distrito para ayusin ng mga telecommunications, cable, at electric companies.

Bibigyan naman niya ng 30 araw ang naturang mga kompanya para umaksyon matapos isumite ang listahan ng mga kable at poste na dapat ayusin.

Giit ng kinatawan, mahalagang maisaayos na ito dahil napapadalas na ang mga pag-ulan na may dala ring malakas na hangin at magiging banta aniya ito sa kaligtasan ng publiko.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us