Inatasan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang kanilang lokal na Pulisya na makipag-ugnayan sa Office of Public Safety and Security (OPSS).
Ito’y para magtulungan ang dalawang law enforcement agency sa pagmamando ng trapiko sa lungsod.
Partikular na pinatututukan ni Mayor Teodoro sa mga pulis at OPSS ay ang mga chokepoint o lugar na madalas nagsisikip ang daloy ng trapiko.
Ayon sa alkalde, maliban sa malaking tulong ito sa pagsasaayos ng trapiko sa kanilang lugar, mapaiigting pa nito ang presensa ng Pulisya kontra krimen.
Una rito, inatasan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil na ipakalat ang mayorya ng mga pulis sa mga lansangan bilang bahagi ng kanilang pinalakas na kampaniya kontra krimen at iligal na droga. | ulat ni Jaymark Dagala