Naglatag ng mga aktibidad ang Maritime Industry Authority (MARINA) para sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer sa darating na June 25.
Ayon sa MARINA, kabilang sa mga aktibidad ang isang symposium kung saan tatalakayin ng mga eksperto ang mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa karagatan at pagpapabuti ng industriya.
Tampok din sa pagdiriwang ang paglulunsad ng “MARINA Honours Filipino Seafarer Bravery at Sea 2024” award at “Gawad Natatanging Mandaragat 2024,” na magpaparangal sa mga natatanging mandaragat na nagpamalas ng katapangan at dedikasyon sa kanilang trabaho.
Samantala, mayroon ding mga sabayang pagdiriwang sa iba’t ibang lugar, tulad ng job fair sa SM San Lazaro at libreng sakay naman sa LRT-2 at MRT-3 para sa mga seafarer.
Hinikayat naman ng MARINA ang mga stakeholder nito na suportahan ang nasabing mga akbidad.| ulat ni Diane Lear