‘Maritime Cooperation,’ isinulong ng Philippine at Turkish Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinalakay ng Philippine Navy at Turkish Navy ang pinaigting na kolaborasyon para isulong ang “maritime cooperation” at tugunan ang mga hamong kinakaharap ng dalawang bansa sa karagatan.

Ito’y sa pakikipagpulong ni Turkish Naval Forces Chief of Operations Rear Admiral Mehmet Baybars Küçükatay kay Philippine Fleet Commander Rear Admiral Renato David, sa pagbisita ng una sa Philippine Navy Headquarters noong Miyerkules.

Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, kanilang tinalakay ang mga plano para kapwa mapalakas ang “maritime defense capability” ng Pilipinas at Turkey.

Ang Courtesy Call ng Turkish Navy official ay bahagi ng Goodwill Visit sa Manila ng Turkish Navy corvette TCG “Kinaliada” bilang pagsulong ng International Naval Diplomacy.

Ang naturang pagbisita ay itinuturing na positibong hakbang sa pagpapalakas ng strategic partnership ng Philippine at Turkish Navy para sa mas matatag na maritime security at iba pang inisyatiba sa hinaharap. | ulat ni Leo Sarne

📸: PO3 Aballe PN / NPAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us