Na-energized na sa full 8,000 Mega Watts capacity ang Hermosa-San Jose 500-kiloVolt (kV) transmission line.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), bahagi ng transmission line ay tatanggap ng karagdagang 2,200MW ng suplay mula sa mga bagong power plants sa Bataan at Zambales hanggang sa natitirang bahagi ng Luzon grid.
Ayon sa NGCP, na-energize ang Line 1 noong Mayo 27, 2023 para ma-accommodate ang power generation sa Bataan na may 2,000MW transfer capacity.
Ganap na nakumpleto ang linya noong Mayo 19, 2024 at napagana ang 4,000MW line capacity.
Ang full completion ng Line 2 ay tatanggap ng 8,000MW sa generation capacity, higit pa sa sapat para sa umiiral at anumang incoming generation.
Ang Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV line ay binubuo ng 395 transmission towers, 275.6 circuit kilometers ng transmission lines, 2 bagong substations, at 2,000 Mega Volts Amperes (MVA) substation capacity.
Bagama’t sertipikado bilang Energy Project of National Significance (EPNS), ang proyekto ay naka-encounter pa rin ng iba’t ibang problema lalo na sa right-of-way. | ulat ni Rey Ferrer