Mas maayos na labor situation sa Pilipinas, siniguro ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at TINGOG Party-list Representative Jude Acidre na itataguyod ng bansa ang mas maayos na kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas.

Kasunod ito ng pagdalo ni Acidre at ng ilan pang mambabatas sa 112th Session ng International Labour Conference na ginanap sa Geneva, Switzerland.

Ang pagdalo aniya ng pamahalaan sa komperensya ay nagpapakita ng patuloy na commitment ng bansa sa ating international obligation.

Tinitiyak rin aniya ng Pilipinas ang proteksyon at karapatan ng sektor ng manggagawa.

“Our country is committed in ensuring the protection and upholding of the rights of our labor force. We understand that there is a careful balance that needs to be struck among the government, employer and employees. But our labor policies should always bend on the side of social justice.” sabi ni Acidre

Ilan sa paksa na tinalakay sa taunang pulong ang proteksyon laban sa biological hazards, strategic objectives para sa karapatan sa trabaho, disenteng trabaho at ang care economy.

Ilan naman aniya sa mga panukalang isinusulong sa Kamara para sa mga manggagawa ang House Bill 924 o the Barangay Skilled Workers Registry Act; House Bill 1579 o Rationalization of Wage Levels, House Bill 2354 o Magna Carta of Workers in the Informal Sector, House Bill 6718 o Freelance Workers Act.

Ibinida rin nito na kamakailan lang ay inaprubahan ng Bicameral Conference Committee ang Magna Carta for Seafarers Act.

“As policymakers, we are committed to exploring innovative ways to accurately determine the living wage, ensuring that every worker is fairly compensated for their labor and can lead a life of dignity and security,” dagdag ni Acidre. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us