Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng papel ng mga barangay at SK officials sa paglilnigkod ng pamahalaan sa mga Pilipino.
Sa oath taking ceremony ng mga bagong elected officers ng Liga ng mga Barangay (LNB) at Sangguniang Kabataan (SK) National and Island Representatives sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na kahit gaano pa kaganda ang plano at programa sa national level, kung hindi naman maganda ang implementasyon sa local level, hindi rin ito mararamdaman ng publiko.
Sabi ng Pangulo, walang mas nakakaalam ng sitwasyon, problema, at solusyon na kakailanganin on ground, kung hindi ang local officials.
Pangako ni Pangulong Marcos, mananatiling bukas ang national government sa suhesyon ng LGUs, at ipabi-bilang ang rekomendasyon ng mga ito, sa gagawang plano at programa ng pamahalaan, para sa hinaharap ng Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan