Naniniwala si UAE Minister of Foreign Affairs His Highness Sheikh Abdullah bin Zayed Al Nahyan na marami pang paraan upang mapalalim ang ugnayan ng Pilipinas at United Arab Emirates (UAE).
Sa courtesy calls sa Malacañang ngayong araw (June 4), sinabi ng UAE official na bagama’t lumalago ang relasyon ng dalawang bansa, hindi pa aniya ito sapat, lalo’t kapwa nais ng dalawang bansa na paigtingin pa ang ugnayang ito.
“Our relationship is growing, but not enough. We could do much better. It could be much better because I think we have an interest to further enhance it.” -HH Sheikh Adbullah.
Sabi ng UAE official, ipinakikita naman ng Pilipinas ang pagiging bukas nito sa mga mamumuhunan.
Sila aniya sa UAE, nais na palakasin pa ang kalakalan sa Pilipinas, at opisyal na isakatuparan ito.
“But also, the Philippines has shown that it’s been welcoming investors, we would like to do more trade, and to finalize and sit down with the Philippines.” HH Sheikh Abdullah.
Sa huli, pinasalamatan ng UAE official ang hospitality ng mga Pilipino, tuwing bumibisita ang kanilang mamamayan sa Pilipinas, gayunrin ang dedikasyon ng mga OFW sa UAE.
“I would say, Sir when the Emiratis, when they come to the Philippines they never feel leaving here. You really make them feel at home. So, thank you very much.” —HH Sheikh Abdullah. | ulat ni Racquel Bayan