Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na lalo pang tatatag ang inflation rate ng bansa bago matapos ang 2024.
Ito’y ayon sa NEDA kasunod ng naging pagpupulong ng Development Budget and Coordination Committee (DBCC) kahapon.
Sa joint statement ng DBCC, sinabi ng NEDA na inaasahang magiging matatag ang inflation rate sa pagitan ng 3% at 4% sa pagtatapos ng taong ito.
Gayunman, determinado ang NEDA na maabot ang target nilang 2% hanggang 4% inflation mula sa taong 2025 hanggang 2028.
Ito’y sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga proactive na mga panuntunan sa pananalapi at iba pang mga hakbang para mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Kabilang na rito ayon sa NEDA ang pagpapatupad ng Comprehensive Tariff Program o ang bawas-taripa sa mga inaangkat na bigas maging sa iba pang produkto. | ulat ni Jaymark Dagala