May inflation rate, umabot sa 3.9%

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagyang bumilis sa 3.9% ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Mayo.

Mula ito sa 3.8% na headline inflation rate sa bansa noong Abril.

May katumbas itong 3.5% na average inflation mula Enero hanggang Mayo.

Sa ulat ni Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng antas ng inflation ay ang mas mabilis na pagsipa sa presyo ng kuryente at LPG.

Nakaambag din sa mas mataas na inflation ang transport o mas mabilis na pagtaas ng presyo sa gasolina, diesel, at pamasahe sa barko.

Sa mga pangkat ng pagkain, ang nagpakita ng mas mababang inflation ay bigas, harina, at tinapay, maging powdered milk, saging, at sibuyas.

Samantala, mas mabilis naman ang taas-presyo sa manok at luya.

Wala namang naitalang pagtaas sa presyo ng isda noong Mayo.

Sa National Capital Region naman, bumilis rin sa antas na 3.1% ang inflation mula sa 2.8% noong Abril bunsod ng pagtaas ng food at non-alcoholic beverages gaya ng manok at bigas.

Samantala, nanatili sa antas na 4.1% ang inflation rate sa labas ng NCR. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us