Nakatutok na ang water concessionaire na Maynilad sa pagpapatupad ng mga innovation para mapaunlad pa ang operasyon at kalidad ng isinusuplay nitong tubig sa kanilang mga customer.
Ayon kay Maynilad Water Supply Operations Head Ronald Padua, kasama sa kanilang hakbang ang paglalawak sa tinatawag na ‘new water’ o recycled used water na ginawang malinis na inuming tubig.
Bahagi rin ng innovation nito ang pagupgrade sa mga treatment facilities kabilang ang silt curtain sa Putatan WTP at algae control equipment sa Laguna Lake.
Gumagamit rin ang Maynilad ng satellite imagery para sa watershed management at gayundin ng Al technology para sa pagtukoy ng mga leakages o tagas sa kanilang mga tubo.
Kaugnay nito, may 4 na dam nang tinitingnan ang Maynilad sa Cavite para sa dagdag na suplay at matugunan ang tumataas na demand sa tubig. | ulat ni Merry Ann Bastasa