Mega Jobs Fair ng DMW ngayong Araw ng Kalayaan, dinagsa ng mga aplikante

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinagsa ng mga aplikante na nais na makakuha ng magandang trabaho ang isinasagawang Independence Mega Jobs Fair ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Robinsons Galleria sa Ortigas.

Ayon sa DMW, mahigit 7,000 ang alok na trabaho ng nasa 23 licensed recruitment agencies na kalahok sa naturang job fair.

Kabilang sa mga alok na trabaho ay attendant, baker, barber, barista, carpenter, civil engineer, receptionist, nurse, teacher, waiter, welder, at iba pa.

Ang mga makukuhang aplikante ay maaaring magtrabaho sa Australia, Bahrain, Brunei, Cambodia, Germany, Hungary, Japan, KSA, New Zealand, Quatar, USA at iba pa.

As of 1:26 PM, mahigit 1,000 na ang mga aplikanteng lumahok sa Mega Jobs Fair at ilan sa kanila ay mga bagong graduate, at ang iba naman ay naghahanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa.

Hinikayat naman ng DMW ang mga Pilipinong may planong magtrabo sa ibang bansa na samantalahin ang jobs fair ng ahensya. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us