Kasabay ng pagbati sa mga Pilipinong Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Eid Al-Adha, binigyang-diin ng House leader na ang araw na ito ay isa umanong paalala ng kahalagahan ng pakikiramay sa kapwa.
Umaasa si Speaker Romualdez na ang Eid Al-Adha ay magbibigay ng oportunidad para sa personal na debosyon at pagkakataon upang magkaisa ang komunidad. | ulat ni Kathleen Jean Forbes