Hinimok ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang mga foreign investors na mag invest sa Pilipinas.
Ayon kay pansamantala PEZA Director General Tereso Panga, maraming oportunidad ngayon sa bansa lalo na at pinalakas ng Marcos administration ang mag inisyatiba nito para mapaganda ang logistics at infrastructures sa bansa.
Giit ni Panga, ang Pilipinas ngayon ay mayroong rare opportunities na maaring gamitin para maging isang prime investment destination.
Ilan sa mga tinutukoy ni Panga na inisyatiba ay ang China+1 strategy, ang US CHIPS Act, at ang US-Japan-Philippines trilateral agreement.
Posible ring samantalahin ng mga investors ayon kay Panga ang upcoming Luzon economic corridor na magsusuporta connectivity ng Subic Bay, Clark, Manila at Batangas kung saan maari itong mag facilitate ng strategic, anchor investments sa bawat isang hub sa pamamagitan ng isang high-impact infrastructure project.
Ipinagmalaki rin ng PEZA Chief ang consistent high economic growth ng bansa kumpara sa mga kapitbahay nito sa ASEAN, dahilan para maging isa sa best-performing economies ang Pilipinas sa ating rehiyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco