Nasa 682 pamilya o 2,479 indibidual mula sa 22 barangay sa Region 6 at 7 ang apektado ng patuloy na aktibidad ng Mt. Kanlaon.
Base sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang umaga, 361 pamilya o 1,400 indibidual ang pansamantang nanunuluyan sa 8 evacuation Center.
Habang 62 pamilya o 364 na indibidual ang pinagkakalooban ng tulong sa labas ng mga evacuation Center.
Nasa 2.7 milyong pisong halaga ng tulong ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong komunidad sa Region 6 at 7.
Tinataya naman na halos 1.5 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Region 6. | ulat ni Leo Sarne