Mga aplikante sa Amnestiya ng Pangulo, dumadami

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 15 dating rebelde sa Agusan del Norte ang pinakahuling nadagdag sa bilang ng mga aplikante para sa Amnestiya ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang naturang grupo ang unang mga aplikante na nag-apply para sa amnestiya sa pamamagitan ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcilation and Unity (OPAPRU) – Local Conflict Transformation – Field Implementation Support Unit (LCT-FISU) sa Mindanao.

Ang mga aplikasyon at case folder ng naturang grupo ay isinumite ni OPAPRU LCT-FISU Mindanao Director Atty. Elisa Evangelista-Lapiña sa National Amnesty Commission (NAC) Local Amnesty Board (LAB) sa Davao City noong Lunes.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. sa naturang development, na kanyang tinukoy bilang testamento ng magandang pagtanggap ng mga dating rebelde sa Amnesty Program ng Administrasyong Marcos para makamit ang pangmatagalang kapayapaan.  | ulat ni Leo Sarne

📸: OPAPRU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us