Abot sa Php 2.377 bilyong halaga ang kinita ng Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations sa bansa sa pamamagitan ng Program Against Hunger and Poverty (PAHP).
Sa ilalim ng PAHP Program, kinukuha ng iba’t ibang ahensiya at institusyon ang serbsiyo ng ARBOs upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa pagkain at produktong agrikultural.
Nagbibigay daan ito upang magkaroon sila ng matatag at malaking merkado sa makatarungang halaga at kumita ng malaki.
May kabuuang 470 ARBO na ang naiugnay ng DAR sa ibat-ibang institusyonal na mamimili gaya ng Bureau of Jail Management and Penology, Department of Heath (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP),Department of Education (DepEd), San Miguel Food Incorporated, at Pro Green Agricorp at marami pang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay DAR Support Services Office Undersecretary Rowena Niña Taduran na sa pamamagitan ng pagsisikap ng DAR at partners nito nabigyan ng ginhawa ang kabuhayan ng mga magsasaka.| ulat ni Rey Ferrer