Bilang paghahanda sa nalalapit na Wattah Wattah San Juan Festival, naglabas ng mga bagong panuntunan ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan.
Ito ay upang matiyak ang responsableng paggamit ng tubig sa gitna ng mga pagsisikap sa pagtitipid nito.
Ayon sa San Juan LGU, kabilang sa mga bagong panuntunan ay ang paglimita sa bilang ng mga fire truck na lalahok sa parada ng Basaan.
At papayagan na lamang ang tradional Basaan simula alas-7:00 ng umaga haggang alas-12:00 ng tanghali sa June 24.
Layon ng mga panuntunang ito na tugunan ang kasalukuyang sitwasyon ng tubig sa bansa, lalo na’t hindi pa rin nakakabalik sa normal level ang antas ng tubig sa mga dam.
Pinaalalahanan din ng San Juan LGU ang mga residente nito na sundin ang mga itinakdang ruta ng parada at oras ng tradisyunal na basaan. | ulat ni Diane Lear