Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development-Bicol Region sa 12 crew members ng nasunog na fishing boat sa Masbate noong Hunyo 5.
Tiniyak ng DSWD ang kanilang patuloy na koordinasyon sa concerned local government units para sa probisyon ng tulong.
Batay sa ulat ng Bicol Regional Office, naglalayag sa karagatan ng Daang-Bantayan sa Masbate ang fishing vessel ng may bigla na lamang sumabog at nasunog ito.
Anim na crew members ang nakaligtas habang anim ang namatay sa insidente.
Binigyan na ng tig Php 5,000 cash aid ang tatlong survivors at funeral assistance naman ang naipagkaloob na sa apat na namatayang pamilya.
Katuwang rin ng DSWD ang LGUs ng Cawayan at Balud sa lalawigan sa pagbibigay ng psychological first aid sa mga nakaligtas at sa kanilang pamilya.| ulat ni Rey Ferrer