Kinwestyon ng mga empleyado ng Sofitel Hotel ang biglaang anunsyo ng pagsasara ng naturang establisyemento.
Sa isang pulong balitaan sa Maynila, sinabi inyong ng mga manggagawa, kaduda-duda ang hakbang na ito ng Sofitel Hotel gayong hindi naman nalulugi ang kompanya.
Hindi rin sila naniniwala na renovation lamang ang pakay ng management kung kayat isasara ang operasyon.
Sinabi ni Arnold Bautista, Pangulo ng Unyon ng mga Manggagawa, duda sila sa motibo ng management lalo pa kumikita naman ito.
Katunayan, hanggang 2041 pa ang kontrata ng Philippine Plaza Holdings Inc, ang operator ng Sofitel Hotel sa lupang kinatitirikan nito na pagmamay-ari ng Government Service Insurance System o GSIS.
Posibleng ang pagbibigay ng benepisyo sa mga empleyado ang tunay na dahilan ng pagsasara nito at hindi ang tunay na kalagayan ng istruktura ng gusali.
Dahil dito, umaapela sila sa pamunuan ng Hotel na magkaroon ng isang Dialogue lalo pa at mawawalan ng kabuhayan ang mga manggagawa. | ulat ni Michael Rogas