Mga estudyante sa PUP, magiging bahagi na rin ng ‘Tara, Basa!’ Tutoring Program ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawak na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP)  ang programa nitong Tara, Basa! Tutoring Program.

Kasunod ito ng nilagdaang memorandum of agreement (MOA) nina Undersecretary for Innovations Eduardo Punay at PUP President Manuel Muhi para sa implementasyon ng “Tara, Basa Tutoring Program” sa unibersidad sa darating na Hulyo.

Magbibigay daan ito ng pagkakataon na maging student tutors o youth development workers ang mga college students ng PUP.

Sa ilalim ng “Tara, Basa! Tutoring Program,” makatatanggap ng cash-for-work ang mapipiling college students kapalit ng pagiging tutor sa mga batang nahihirapang magbasa o youth development worker na magsasanay sa mga magulang na maging Nanay-Tatay Tutor sa kanilang mga anak sa bahay.

Layon nitong tulungan ang mga kabataan na nasa elementarya na matuto at bumilis sa kanilang pagbabasa na isa sa recalibrated educational assistance ng ahensya.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us