Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian sa mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa para ipagbawal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa kani-kanilang nasasakupan.
Ginawa ng senador ang pahayag sa gitna na rin ng umiinit na usapin sa POGO at mga espekulasyon ng pagkakadawit ng ilang LGU officials sa operasyon ng mga iligal na POGO.
Payo ni Gatchalian sa mga local chief executive na magpasa ng local ordinance para hindi na malagay sa alanganin ang kanilang pangalan sa mga POGO.
Binigay na halimbawa ng mambabatas ang na-raid na POGO hub sa Pampanga.
Aniya, bilang alkalde ng lugar kung saan nag-o-operate ang POGO ay malaking kwestiyon sa pagpapatakbo nila sa kanilang nasasakupan kung sasabihin nila na hindi nila alam ang nangyayari sa kanilang mga lugar. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion