Mga mambabatas, ikinalugod ang pagsasabatas ng mas mataas na teaching supplies allowance para sa mga guro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ng mga mambabatas ang paglagda ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kabalikat sa Pagtuturo Act na magbibigay ng permanente at mas mataas na teaching supplies allowance para sa mga guro.

Ayon kay Batangas Representative Gerville Luistro, isa itong mahalagang hakbang hindi lang sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon kundi bilang pagsuporta din sa dedikasyon ng mga guro.

Sa pamamagitan aniya ng pagbibigay ng sapat na resources at financial support ay matitiyak ang mas magandang kinabukasan para sa mga kabataan.

Malaking tulong din ito ayon naman kay Camarines Sur Representative LRay Villafuerte para maibsan ang epekto ng inflation sa mga guro.

Punto niya, sa kabila ng napakabigat na workload ng mga guro ay sila rin ang pinakamababa ang pasahod.

Inaasahan na aabot sa 800,000 na mga guro ang makikinabang sa bagong batas.

Umaasa naman si Quezon Representative Reynan Arrogancia, na kagyat na mahanapan ng Department of Budget and Management (DBM) ng pondo ang taas-allowance upang agad maramdaman ng mga guro ang benepisyo nito.

Pinatitiyak din ng kongresista na sa paghahanda ng 2025 National Budget ay mapaglaanan ito ng sapat na pondo.

Sa ilalim ng batas, mula sa kasalukuyang ₱5,000 na teaching supplies allowance ay magiging ₱7,500 na ito para sa taong 2024-2025 at gagawing ₱10,000 mula 2025 at sa mga susunod na school year. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us