Mariing kinondena ng ilang kongresista ang panibagong panggigipit ng China sa resupply mission ng Pilipinas kung saan ilan sa mga sundalo ang nasugatan.
Ayon kay Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, sumusobra na ang China sa pagiging agresibo nito sa West Philippine Sea at isang pambabastos aniya sa ating soberanya.
Giit nito na kailangan na ng Pilipinas ng mas agresibo ring pagtindig.
Sa panig naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, sinabi nito na nakakalungkot na nauwi pa sa pagkasugat ng ating mga sundalo ang simpleng resupply mission.
Ito ay sa kabila ng marami nang diplomatic protest na inihain ng Pilipinas.
Aniya, hindi na lang ito pambu-bully ngunit pananakot na.
Sabi naman ni Barbers sa ating mga mangingisda na huwag matakot pumalaot sa ating karagatan dahil atin ito.
Patuloy din aniya dapat mahimok ang mga karatig bansa para suportahan ang ating paninindigan sa West Philippine Sea. | ulat ni Kathleen Jean Forbes