Binigyang pugay ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga tinaguriang “Bagong Bayani”, ang mga OFW.
Pinangunahan ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac ang maikling programa para sa Migrant Workers Day.
Kaalinsabay ng flag raising ceremony, ginawaran ng DMW ang nasa 45 na OFW ng tulong pinansyal.
Sila ay tumanggap ng Aksyon fund na nagkakahalaga ng Php 30,000 upang makapagsimulang muli ng kanilang buhay sa bansa.
Ang mga benepisyaryo ay pawang mga OFW na hindi na nakabalik sa bansang pinagtatrabahuan gayundin ang mga distressed OFW mula sa mga bansang nakaranas ng gulo at kalamidad.
Maging ang mga OFW na naaksidente habang tumutupad sa kanilang tungkulin.
Ayon kay Cacdac, lahat ng OFW, ano man ang kanilang pinagdaanan ay bibigyang tulong ng Pamahalaan.
Ipinagdiriwang tuwing ika-7 ng Hunyo ng bawat taon ang Migrant Workers Day sa ilalim ng Republic Act 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers Act of 1995. | ulat ni Jaymark Dagala