Pinuri ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., ang mga nagtapos ng Basic Citizen Military Course Class sa Baguio City.
Matagumpay na nakumpleto ang training program para sa mga bagong graduates, na nagpakita ng dedikasyon at pangako sa buong kurso.
Sa kanilang pagtatapos, binigyang-diin ni General Brawner ang kahalagahan ng kanilang tungkulin sa pagpapalakas ng depensa ng Pilipinas.
Aniya, ang dedikasyon at pangako sa paglilingkod sa citizen reserve force ay may mahalagang papel sa pangangalaga sa seguridad ng bansa.
Sa harap ng mga hamon na kinakaharap ng bansa, mahalaga aniya ang mapalakas ang reserve force para mapahusay pa ang territorial defense.
Ang mga bagong graduate ay sasabak sa reserve force ng Philippine Navy na nakabase sa Northern Luzon. | ulat ni Rey Ferrer