Pumalo na sa mahigit 71 pamilya o katumbas ng nasa 327 indibiduwal ang inilikas sa Negros Oriental dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Ito ang ipinabatid ng Office of Civil Defense (OCD) batay sa ulat ng kanilang Central Visayas Regional Field Office kasunod ng isinagawang emergency meeting kagabi.
Ayon sa OCD, nagmula ang mga inilikas sa Brgy. Masulog, Brgy. Pula, at Brgy. Linothagan sa Canlaon City sa Negros Oriental at ngayo’y nananatili sa mga evacuation center.
Nakaalerto naman ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng Negros Oriental at Canlaon City hinggil sa mga pinakabagong aktibidad ng bulkan.
Nakahanda rin ang kanilang response cluster para sa mas pinaigting na paglilikas. | ulat ni Jaymark Dagala