Mga nakitang uniporme at paraphernalia ng People’s Liberation Army ng China sa isang “scam-hub” sa Pampanga, masusi nang iniimbestigahan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan na ang pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa mga counterpart nito.

Iyan ay upang alamin ang “authenticity” ng mga nakuhang uniporme at iba pang paraphernalia ng People’s Liberation Army ng China na nahalughog sa pinasok na “scam-hub” sa Porac, Pampanga.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, masyado pang maaga upang gumawa ng konklusyon hinggil sa mga nakuhang kagamitan na mag-uugnay sa Chinese military.

Sinang-ayunan din ni Fajardo ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na posibleng ginagamit lamang itong “props” para gawing panakot sa iligal na aktibidad ng mga dayuhang nagpapatakbo ng naturang “scam-hub.”

Una nang isiniwalat ng Presidential Anti-Origanized Crime Commission (PAOCC) ang mga nakuhang kagamitan umano ng Chinese military gaya ng mga uniporme ng PLA, watawat ng China maging ang isang outstanding sergeant badge ng Chinese military.

Inaasahang matatapos na anumang oras o araw mula ngayon ang ginagawang paghalughog ng mga awtoridad sa may 17 pang mga gusali sa loob ng Lucky South 99 matapos muling makakuha ng Search Warrant. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us