Maglalagay ang Bureau of Corrections ng Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE) Office sa New Bilibid Prisons.
Ito ang layon ng memorandum of agreement na pinirmahan ng BuCor at ng Reshape Justice Group ng Australia kung saan magbibigay ito ng teknikal at iba pang kakailanganing tulong para sa nasabing opisina.
Ang naturang programa ay gagawin para ma-implementa ang mga deradicalization at rehabilitation programs para sa Violent-Extremist Offenders (VEO).
Ayon kay OIC-Deputy Director for Reformation, CCSUPT. Celso Bravo, na siyang humalili kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang nasabing pagsasanib pwersa ay magpapalakas sa relasyon ng Australia at Pilipinas sa pamamagitam ng RJG.
Paliwanag nito, bagamat nakatutok ito sa mga extremist ay may maibibigay pa rin aniya ito ng mas malawak na benepisyo sa kabuuan ng prison reformation ng BuCor. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: BuCor