Nagpaalala na ang Social Security System sa lahat ng pensioners na naka schedule para sa Annual Confirmation of Persioners Program (ACOP) para ngayong buwan ng Hunyo.
Ayon sa SSS, maaari nang magsumite ng kanilang ACOP Compliance ang mga pensioner bago matapos ang buwan.
Ito’y upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng kanilang monthly pensions.
Obligado na magsumite ng ACOP reply form at iba pang kinakailangang dokumento ang mag pensioner na naninirahan sa ibang bansa, total disability pensioners, death survivorship pensioners at dependent children under guardianship.
Samantala, lahat ng pensioners na nakatira sa Pilipinas na may edad 80 taong gulang pataas ay kailangang mag-comply din sa ACOP Program.
Habang ang mga retirement pensioner na death-survivorship pensioners ay obligado namang magsumite ng dalawang hiwalay na ACOP reply forms.| ulat ni Rey Ferrer