Naniniwala si Speaker Martin Romualdez na dapat lang ipagmalaki ng mga Pilipino ang malakas na paninindigan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang pagdalo sa ika-21 International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore.
Pinuri ni Romualdez ang talumpati ng Pangulo kung saan binigyang halaga nito ang pakikipag-dayalogo at diplomasiya sa pagresolba sa mga hindi pagkakaintindihan lalo na at napapanahon ito dahil na rin sa tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.
“President Marcos Jr.’s keynote address at the Shangri-La Dialogue is a testament to his strong leadership and his unwavering commitment to protecting our national sovereignty. Every Filipino should be proud of our President, who has shown the world that we are resolute in defending our territory while advocating for peace and diplomacy,” sabi ni Speaker Romualdez.
Bahagi rin ng mensahe ng Pangulo ang pagkilala ng Pilipinas sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award, na kumikilala sa maritime rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Aniya, ipinapakita nito sa buong international community na nakabase sa international law ang claims ng bansa.
“Our President has made it clear that the life-giving waters of the West Philippine Sea are integral to our nation’s identity and sovereignty. We will never allow anyone to detach it from our maritime domain,” sabi ni Romualdez.
Muli namang tiniyak ni Romualdez na nakasuporta ang Kamara sa mga inisyatiba ng pamahalaan para sa pagpapalakas ng ating defense capabiility at pagtindig sa ating soberandya upang lubusang maramdaman ang biyaya ng patrimonya. | ulat ni Kathleen Forbes