Mga residente ng Ilocos Norte at Cagayan, pinag-iingat ng NDRRMC kasunod ng isasagawang rocket launch ng China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng babala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga taga-Ilocos Norte at Cagayan.

Ayon sa NDRRMC, ito ay kasunod na rin ng scheduled rocket launch ng China mula ngayong araw, June 28 hanggang June 30.

Batay sa abiso, isasagawa ang rocket launch ng China sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan sa pagitan ng alas-7 hanggang alas-11 ng gabi.

Dahil dito, inaatasan ang Philippine Coast Guard (PCG) Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Environment and Natural Resources – National Mapping and Resource Information Authority (DENR-NAMRIA) na magpatupad ng hakbang upang protektahan ang mga papalaot sa karagatan sa dulong hilagang Luzon.

Kasunod nito, inalerto na rin ang mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Office ng Ilocos Norte at Cagayan para bantayan ang pagbagsak ng anumang debris mula sa kalangitan.

Pinag-iingat din ng Philippine Space Agency (PhilSa) ang lahat na huwag lumapit sa mga babagsak na debris mula sa pinakawalang rocket ng China dahil nagtataglay ito ng mga kemikal na nakasasama sa kalusugan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us