Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagtaas ng mga kaso ng dengue, leptospirosis, at influenza-like na mga sakit sa lungsod sa nakalipas na dalawang linggo.
Ito’y matapos ang dalawang linggong sunod-sunod na mga pag-ulan.
Habang mino-monitor ng Quezon City Health Department ang kaso ng mga nasabing sakit, pinaaalalahanan ang publiko sa mga kaukulang pag-iingat na dapat gawin.
Payo nito na agad na magpakonsulta sa doktor o health center kapag may nararanasang mga sintomas.
Batay sa ulat ng City Epidemiology and Surveillance Division, mula Enero 1 hanggang 8, umabot na sa 1,261 ang naitalang kaso ng dengue.
May tatlo nang nasawi sa sakit na dengue, isa mula sa district 1 at dalawa sa district 2.
May 25 kaso naman ng leptospirosis ang naitala mula Enero hanggang Hunyo 1. Dalawa ang naiulat na namatay mula sa district 3 at 6.
Samantala, nakapagtala din ng 72 kaso ng sakit na pertussis mula Enero 1 hanggang Hunyo 8.
Pito ang naiulat na namatay sa nasabing sakit. Tig-dalawa sa district 1 at district 2 habang tig-isa naman sa districts 3, 4 at 5. | ulat ni Rey Ferrer