Hinikayat ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang lahat ng residente nito na makibahagi sa pagdiriwang Wattah Wattah Festival nang may pagpapahalaga sa responsableng paggamit ng tubig.
Ito ang ihihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa isang pulong balitaan ngayong araw.
Ayon kay Mayor Zamora, bahagi ito ng hakbang ng lungsod para magtipid sa tubig ngayong hindi pa rin nakakabalik sa normal level ang tubig sa mga dam dahil sa epekto ng El Niño.
Kaugnay nito sinabi ng alkalde na limitado sa tatlong fire trucks ang maaaring makilahok sa tradisyunal na basaan kumpara sa mahigit na 50 firetrucks na pinapayagan noong mga nakaraang taon.
At tatagal lamang ang tradisyunal na basaan simula alas-7 ng umaga haggang alas-12 ng tanghali sa June 24.
Tiniyak naman ng alkalde na nakabantay ang PNP, BFP, mga tauhan ng lokal na pamahalaan at mga opisyal ng Barangay para siguruhing nasusunod ang mga inilatag na panuntunan sa araw ng pista.| ulat ni Diane Lear