Mga senador, nagpahayag ng suporta sa mga atletang Pinoy na sasabak sa 2024 Paris Olympics

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta ang mga senador sa mga atletang Pilipino na sasabak sa 2024 Paris Olympics mula Hulyo hanggang Setyembre.

Binigyang-diin ni Senador Pia Cayetano ang mahirap at mahabang proseso na pinagdaanan ng ating mga atleta bago makaapak sa prestihiyosong global sporting event na ito.

Kasabay nito ay binigyang-diin ni Cayetano ang pangangailangan na bigyan ng nararapat na suporta, kabilang na ang sapat na pagpopondo, para sa pangangailangan ng ating mga atleta.

Hinikayat rin ng senador ang lahat ng mga Pilipino na suportahan ang ating mga Olympian at Paralympians bilang dala nila ang bandila ng Pilipinas.

Bilang bahagi naman ng kanyang suporta, pinangunahan ni Senate Committee on Sports Chair Senador Christopher ‘Bong’ Go ang turnover ng financial support sa ating mga atleta.

Kasama ni Go sa turnover ng cheke na ginanap sa PSC office sa Manila sina PSC Chair Richard Bachmann, Commissioners Bong Coo at Ed Hayco, Executive Director Paulo Tatad, at iba pang opisyal.

Bawat Pinoy athlete na sasabak sa Olympics ay binigyan ng tig-₱500,000 para makatulong sa kanilang paghahanda. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us