Inatasan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) at field offices nito para paghandaan na ang inaasahang impact ng La Niña.
Sa inilabas na memo ng DENR, pinakikilos na ang MGB regional directors, partikular ang kanilang mga Operation Centers (OPCENs) para mailatag ang mga mitigation measures sa gitna ng banta ng malalakas na mga pag-ulan.
Iniutos rin ang pagsasagawa ng Pre-Disaster Risk Assessments (PDRAs) at aktibong pakikipagugnayan sa Office of Civil Defense (OCD).
Pinayuhan din ang MGB na bigyan ng mga updated na geohazard map ang mga kaukulang local government units (LGUs).
Maging mga mining projects ay pinatututukan at pinatitiyak na may isang full-time na safety engineer at safety inspector para masiguro ang pagpapatupad ng mga hakbang pangkaligtasan sa minahan.
Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng mag-develop ang La Niña sa bansa simula sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre. | ulat ni Merry Ann Bastasa